13th Day, Sa Panahon ng Daloy:
Nababalot ang paligid ng dilim. Sa ikalabing-tatlong araw sa Panahon ng Daloy ang mundo ay pugad ng dilim at liwanag. Ang Liwanag na unang bunga ng Daloy ay tumatanghoy sa mundo ng kalikhaan. Kalikhaan na unang bunga ng Dilim. Dilim na bunsong anak ng Daloy. Mula sa Liwanag sa araw na ito, umusbong ang Labintatlong Bantay. At kumalat ang Liwanag sa sangkalikhaan. Malalaki, maliliit, sa lupa at sa tubig, maging sa himpapawid, ang bawat nilikha ay sumailalim sa lakas ng mga Bantay. Batid ng labintatlo ang lakas na taglay at ang iisang mithiing ibinahagi ng Liwanag sa kanilang paglalang. Mithiing puro at kalooban ng Daloy. Sa kaniyang pagsang-ayon at pagtugon sa kagustuhan ng Daloy, and Dilim ay lumikha ng Talampas na siyang magiging tahanan ng mga Bantay. Talampas na nakaugnay sa sangkalupaan. At ang Daloy ay nagalak at ipinamahagi ang Daloy sa mga Bantay. Sa Daloy na ipinamahagi nabigyang uri ang mga Bantay. Sa Labintatlo umusbong si Hanginon, ang Panginoon ng Hangin. Sa Talampas ng Daloy siya ay pumalagi. At sa pagtuklas sa ugnay na hatid ng Talampas, nabatid ni Hanginon ang kalangitan. At dito pinamahagi ang Hangin ng Buhay. At ang mga nilikha ay naging kabahagi ng pagsilang, pag-usbong, pag-habi at pag-ikot ng hangin. Sa dugo ng lahat ng sangkalikhaan nanahan ang Hangin ng Buhay...
Sa Mga Huling Araw ng Daloy:
Sa labintatlo, si Hanginon ay naging palalo. Dahil sa ugnay na hindi mapuputol sa sangkalikhaan, nabatid niya ang kapangyarihang taglay. Sa mga huling araw ng Daloy isinilang ang sangkatauhan. Sa lahat ng nilikha, tanging mga tao lamang ang may diwa na nagmula sa Daloy. At dito umusbong ang kanilang pag-tuklas sa mundo na pinagbunga ng mga Bantay. Sa buong sangkalikhaan natuklasan ng mga Bantay na ang diwa na tanging sa Daloy lamang makikita ay sa tao ipinagkatiwala. Sa mga huling araw ng Daloy ang mga Bantay ay nawalan ng lakas at naidlip sa dilim ng walang hanggan. Tanging si Hanginon na natuklasan ang lakas sa ugnay na natanto sa sangkalikhaan ang kumawala sa pagtulog at naibahagi ang sarili sa Hangin ng Buhay. Ang Talampas ng Daloy na pinamumugaran ng mga Bantay na naiidlip ay muling kinupkop ng Dilim.
Sa pag-usbong ng Sangkatauhan sa pagtatapos ng Panahon ng Daloy, ang Palalo ay sumabay sa pagtuklas ubang ibalik ang dating lakas na taglay. Dahil ang Daloy ay hindi mawawala at sa halip ay ipinamahagi lamang sa nilalang na tinawag na Takda...
5:02 PM 11.16.2009 Starbucks @ATC
"Meira?" the barista shook my shoulders.
"Are you okay? I saw you fainting on your seat a moment ago."
"I'm fine, thanks. I must have dozed off." I said.
"I should have given you pressed coffee instead. It's pretty strong" he smiled back to me.
"I think I will next time." I said.
"Alright, if you needed anything just ask, I'm Jerby by the way."
"Thanks Jerby, that's very kind of you."
"You're always welcome." he said and he went back to the counter.
This attack is baffling. The word, "Hanginon" is still written on the second page. It must be giving me a warning. I knew that creature I saw a while ago is a manifestation of Hanginon. I must confide to Madame Tuscon she would know what to do. I grabbed my bag and put the notebook inside and went towards our booth.
I was about to enter our booth when I realized that the direction that creature has headed was actually our booth. If it is a creature of the wind it must use a medium to be able to commune with humans. I've learned this from my Ancient Creatures and Possesseions book given to me by Madame Tuscon. If so, then anybody could be a target even Madame Tuscon herself.
"Meira?" Madame Tuscon said from inside the booth.
"Come in child." She addressed me. She would usually call me child when she's about to lecture me on something.
"I'm comin Madame." I said.
I'm not sure if I should enter or not. I knew something wasn't right. And as if she knew I was about to leave, Madame Tuscon went out and grabbed my arm.
"Meira, I know you have it. Give it to me!" Her voice was so deep like that of a man's. And her eyes were all black. She's been possessed.
"Let go of me!" I said as I pulled my arm free. Then I ran towards the Cinema area. As I ran, I looked back and saw her fainted on the floor. That creature must have left her and now looking for a new medium. I need to find a safe place.
One thing I've learned from Ancient Creatures and Possessions is that the creature is usually limited by the ability of its medium. I need to hide from it while I sort things out. I've headed towards the ticket booth and bought a ticket on the 5:35 PM movie, "Drag Me to Hell". I then went to Cinema 4 and chose the middle seat amidst some teenagers. This is a rather awkward movie choice. The movie has scenes on possessions. I was hoping to reach Dell on his cell but there was no signal inside the theater. I would have to finish this movie so I could go with the throng of people later to better hide myself from that creature.
Inside the Men's Restroom, Cinema 4 @ATC:
"Pre, nag-start na ata yung movie." a man on one of the urinals said.
"Oo nga pre, magrorounds na ko baka masita pa ni boss. Iba na raw kasi kabataan ngayon, kahit cellphone ginagamit pang-record." said the man on the sink.
"Sige, pre goodluck!"
As the man on the sink splashed water on his face he suddenly went limp and fainted on the floor.
"Pre, okay ka lang? Ano problema?" the man on the urinals went to aide his friend.
"Ayus lang, cge mauna na ko." the man near the sink said as he rose and grabbed his flashlight. He went towards the Cinema.
To be continued...
No comments:
Post a Comment